Pengyou
Single Cell Organism
Posts: 24
|
Post by Pengyou on Jul 21, 2011 15:20:34 GMT 8
Tunay bang Salita ng Diyos ang nakasulat sa Biblia o gawa lang ng tao?
Milyon-milyon na ang mga naisulat na mga aklat sa daigdig, iba’t-ibang paksa at iba’t-ibang wika. Magmula pa nang mga unang panahon ang pagbabasa ng mga aklat ay naging bahagi na ng normal na pamumuhay ng tao. Maging ngayon nga na nagkaroon na ng pagbabago sa anyo ng mga aklat dahil sa pag-unlad ng teknolohiya – gaya ng mga e-books kung saan naida-download na lamang ang kahit anong uri ng mga libro sa internet, at sa isang computer na lamang ito babasahin. Di na rin mabilang ang mga aklat na naisulat na pang-relihiyon na pinaniniwalaang naglalaman ng mga salita ng Diyos gaya ng mga sumusunod: 1. Theravada at Mahayana ng relihiyong Budismo 2. Qur’an ng Relihiyong Islam 3. Book of Mormon ng mga Mormons o yung mga kaanib ng Church of Jesus Christ of the Latter Day Saints mula sa America 4. Vedas ng Hinduismo Ilan lamang ang mga aklat na ito na sinasabing naglalaman din ng mga salita ng Diyos na pinaniniwalaan at sinusunod ng mga kaanib ng mga nasabing relihiyon. Ang pinaka-kontrobersiyal at ang pinakauna o pinakamatanda sa kanilang lahat ay ang Biblia na pinatutunayan kahit ng mga manunulat ng kasaysayan na bukod tanging aklat na kung saan mababasa ang simula ng paglalang ng ating daigdig. Tanging sa Biblia mo lamang mababasa kung saan nagmula ang lahat ng bagay na siyang tanging record ng sangkatauhan mula pa nang una. Dahil nga sa ito ay isa sa mga aklat na naisulat din ng tao, inakala ng ilan na ang Biblia ay isang pangkaraniwang aklat lamang, kaya hindi kataka-taka na may mga tao na hindi naniniwala dito (kahit na sila ay nagpapakilala ring mga Cristiano), kaya naman marami ang mga tao na hindi sinusunod ng tuwiran kung ano ang nakalagay sa Biblia sa pag-aakalang ito ay pangkaraniwang aklat lamang at dahil sa tao ang sumulat ay maaari itong magkamali katulad ng ibang mga aklat. Kaya’t ating pag-aralan kung ano nga ba ang kaibahan ng Biblia sa ibang mga aklat na naisulat sa daigdig. Tunay nga kayang mga salita ng Diyos ang nakasulat sa mga pahina ng Biblia? Dapat nga ba itong paniwalaan, sampalatayanan at sundin? Atin pong sasagutin iyan sa pamamagitan ng isang pag-aaral. Paano ba at kailan nagkaroon ng salita ng Diyos? Nagkaroon ng salita ng Diyos sa daigdig nang ang Dios ay magsalita sa tao sa iba’t-ibang paraan at iba’t-ibang panahon: Hebreo 1:1-2 “Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;” Sa tatlong dakilang hati ng mga panahon ay nagsalita ang Diyos sa tao, narito ang mga panahong iyon: a. Panahon ng mga Magulang o Patriarka – Mula sa pasimula ng paglalang kay Eva at Adan hanggang sa panahon ni Moises. b. Panahon ng mga Propeta at ng bayang Israel – mula sa panahon ni Moises hanggang kay Juan Bautista (Lucas 16:16). c. Panahong Cristiano – mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang sa panahon natin ngayon. Bukod sa pakikipagusap ng Diyos ng tuwiran sa tao ay gumamit din siya ng mga sugo o mga patriarka, at mga propeta upang maipaabot sa tao ang kaniyang mga salita o kautusan, at sa panahon nga natin ang kaniyang ginamit na kasangkapan ay ang Panginoong Jesucristo na kaniyang Anak. Ano ang ipinag-utos niyang gawin sa kaniyang salita? Hindi pumayag ang Diyos na ang kaniyang salita ay manatili na mga salitang sinabi lamang, kundi kaniya itong ipinasulat sa isang aklat: Jeremias 30:2 “Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.” Ipinag-utos ng Panginoong Diyos na ang kaniyang mga banal na salita ay maisulat sa isang aklat, kaya nga sa bawat panahon ay naisulat ang kaniyang mga salita sa mga aklat sa pamamagitan ng mga patriarka, mga propeta, at ng mga apostol, mahigit sa 50 tao ang mga inatasan ng Diyos na magsulat o magtala ng kaniyang mga salita upang ito ay maingatan at upang manatili ito hanggang sa panahong darating na walang hanggan: Isaias 30:8 “Ngayo'y yumaon ka, isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan.” At ang mga aklat na naisulat ay tinawag na mga Banal na Kasulatan [Holy Scriptures]: II Timoteo 3:15-17 “Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pana-nampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pag-tutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.” [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia] Nagsimulang isulat ni Moises ang aklat ng Genesis [ang unang Aklat ng Biblia] noong 1400 B.C. at natapos naman ni Apostol Juan ang aklat ng Apocalypsis [Ang huling aklat] noong 96 A.D. Kaya’t tumagal ang pagsusulat nito ng 1,496 years. Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at magagamit sa: a. Pagtuturo ng Katotohanan – magagamit sa pangangaral. b. Pagtatama sa maling katuruan – mailalayo tayo nito sa mga maling aral at sa mga maling paniniwala at mga maling relihiyon. c. Pagtutuwid sa likong gawain – sasawayin tayo kung tayo ay may ginagawang mali na labag sa moralidad at pamumuhay espiritual. d. Pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay – tayo ay sasanayin upang maging mabubuting mga Cristiano. Sapat ang Biblia upang tayo ay maturuan ng lahat ng mabubuting bagay lalo na sa daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya na may kalakip na pagsunod. Kaya kung may magsasabi na bukod sa Biblia ay mayroon pa tayong iba pang mga aklat na pupuwedeng pagbatayan o pagsaligan, ito po ay maliwanag na kasinungalingan dahil sinabi rin na: II Timoteo 3:17 “Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.” Kaya tayong turuang lubos ng Biblia, at kapag sinabing “lubos” ibig sabihin kumpleto [100%] ika nga, kaya kapag pananampalataya at pagrerelihiyon ang pag-uusapan ay sapat na sapat at tanging ang Biblia lamang ang ating dapat na pagbatayan at wala nang iba pa. Bakit tinawag na Biblia ang ‘Mga Banal na Kasulatan’? Ito ay hinango sa salitang Griego na “βιβλια” [Biblia], na ang ibig sabihin ay “Books” o “Mga Aklat”: “The Bible (sometimes The Book, Good Book, Word of God, The Word, or Scripture), from Greek (τα) βιβλια, (ta) biblia, "(the) books" Sa Filipino: “Ang Biblia (kung minsan Ang Aklat, Mabuting Aklat, Salita ng Diyos, Ang Salita, o Kasulatan), mula sa Griego (τα) βιβλια, (ta) biblia, “(ang) mga aklat” [Wikipedia Encyclopedia] Tama ba na tawagin itong Biblia? Oo, dahil ang Mga Banal na Kasulatan ay binubuo ng maraming aklat. Nahahati ang Biblia sa dalawang bahagi, Old Testament [Lumang Tipan] at New Testament [Bagong Tipan]: 39 na aklat sa Lumang Tipan 27 na aklat sa Bagong Tipan ________________________________ 66 na aklat sa Kabuoan Kaya marapat lamang na tawagin itong Biblia, dahil tunay na binubuo ito ng 66 na aklat na ito’y ang “Mga Banal na Kasulatan” Anu-ano ang mga orihinal na wika na ginamit sa pagsusulat ng Biblia? Ang mga Biblia na ating nababasa sa kasalukuyan ay hindi ang orihinal na wika ng Biblia. Ang English o Tagalog, halimbawa, ay mga Translations o salin lamang ng mga orihinal na wikang ginamit sa orihinal na mga manuscript [manuskrito] ng Biblia, gaya ng ating nakikita sa ibaba:
Bahagi ng "Dead Sea Scrolls" kung saan hinango ang ating Biblia Ang orihinal na wika na ginamit sa Pagkakasulat ng Lumang Tipan ay wikang Hebrew [Hebreo]: Gaya ng inyong makikita sa ibaba:
Isang inimprentang Bibliang Hebrew Ang Genesis 9:2 sa original na wikang Hebreo Ang orihinal na wika na ginamit sa Pagkakasulat ng Lumang Tipan ay wikang Hebrew [Hebreo]: Gaya ng inyong makikita sa ibaba: Bahagi ng isang "Greek Manuscript" Juan 8:40 “νυν δε ζητειτε με αποκτειναι ανθρωπον ‘ος την αληθειαν ‘υμιν λελαληκα ‘ην ηκουσα παρα του θεου τουτο αβρααμ ουκ εποιησεν” May mga manuskrito ding natagpuan na ang Luma at Bagong Tipan ay isinulat sa wikang Syriac-Peshitta Aramaic [Aramaiko] na siyang katutubong wika [native language] ng Panginoong Jesus:
Bahagi ng isang Manuskritong Syriac Peshitta Ang Gawa 20:28 sa wikang Aramaiko:
Ang mga dalubhasa sa wikang Hebreo, Griego, at Aramaiko na tinatawag na mga Bible Scholars ang siyang nagsasalin ng mga Biblia mula sa orihinal na wika sa wikang nauunawaan ng mga tao sa kasalukuyang panahon. Paano naiwasan ang pagkakamali sa pagsulat ng Biblia sa kabila ng mga tao lamang ang sumulat nito? Bagama’t totoo na mga tao lamang ang nagsulat ng Biblia ay hindi naman sa tao nanggaling ang mga nilalaman nito. Sapagkat ang Diyos ay tuwirang nagbantay sa mga manunulat kaya naiwasan na ito ay magkamali. Ang Diyos ang nagsasabi kung kailan dapat umpisahan ang pagsusulat: Jeremias 30:2 “Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.” Ang Diyos din ang nagsasabi kung kailan ito dapat tapusin: Daniel 12:4 “Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.” Ang Diyos din ang nagsasabi kung ano ang mga bagay na dapat isulat: Apocalypsis 1:19 “Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating;” At ang mga bagay na hindi dapat isulat: Apocalypsis 10:4 “At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.” Kaya napakalinaw na binabantayan ng Diyos ang mga nagsipagsulat ng Biblia, hindi mangyayari na mailagay ng mga sumulat nito ang sarili nilang karunungan o ideya, sapagkat direktang idinidikta ng Diyos sa kanila ang mga bagay na dapat nilang ilagay, at sinasaway kung magtatangka silang maglagay ng hindi Niya nais. Kaya nga sa kabila ng ang mga sumulat ng Biblia ay hindi personal na magkakakilala [maliban sa mga apostol] hindi magkaka-dako at hindi magkaka-panahon ay naiwasan ng mga manunulat nito ang pagkakamali, perpekto po ang Biblia sa kaniyang orihinal na anyo…wala itong kontradiksiyon o salungatan. Mas madali nating maiintindihan ito sa isang halimbawa: Tumawag tayo ng sampung tao na magkakakilala, magkakaibigan, at magkakasama. Atin silang utusan na magsulat ng recipe ng Menudo. Sa palagay ninyo magkakapare-pareho ba ang kanilang isusulat? Tiyak ang inyong isasagot ay hindi. Natural na magkakaiba-iba sila dahil sa pagluluto ng menudo ay may kaniya-kaniyang pamamaraan na alam ang tao, at natural kung ang kaniyang kaisipan ang pagbabasehan, ang kaniyang nais siyempre ang kaniyang gusto ang masusunod, kaya sa simpleng bagay pa lamang na ito ay makakakita tayo ng salungatan at kontradiksiyon dahil sa pagkakaiba-iba, kasi nga galing lang sa kaisipan ng tao. Subalit kung tatawag tayo ng sampung tao na hindi magkakakilala, at hindi magkakalugar, at isa-isa nating ididikta sa kanila ang recipe ng Menudo at wala silang gagawin kundi isulat lamang ang ating sasabihin; magkakaiba-iba ba sila? Natural hindi, iisa lang ang kanilang maisusulat dahil sa iisa lang nanggaling ang kanilang isinulat. Ganiyan po ang Biblia, sa iisang Diyos lamang nanggaling ang lahat ng nilalaman niyan, at ang lahat ng nasulat diyan ay mayroong pagkasi o pagpa-pahintulot ng Diyos. Kaya hindi kailan man tayo makakakita ng kontrahan o salungatan sa Biblia. Kaya ating natitiyak na kung ang Biblia ang tanging pagbabasehan ng tao ng kaniyang paniniwala ay hindi siya magkakamali dahil sa ito ay perpekto at wala itong kamalian: Psalms 19:7 “The law of the LORD is perfect; it gives new strength. The commands of the LORD are trustworthy, giving wisdom to those who lack it.” [Good News Bible] Sa Filipino: Awit 19:7 “Ang kautusan ng Panginoon ay perpekto; nagbibigay ito ng bagong lakas. Ang mga utos ng Panginoon ay mapang-hahawakan, nagbibigay ng karunungan sa nagkukulang nito.” Kaya kung sa Biblia na perpekto batay ang lahat ng aral na ituturo at hindi ito inimbento at hango lamang sa sariling isipan, ay perpekto o walang kamalian rin ang aral na ating matatanggap mula sa mga mangangaral nito: 1 Tessalonica 2:3 “Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.” Mababasa ba sa Biblia ang salitang “Biblia”? Sinasabi ng iba na hindi na raw kailangan pa na sa Biblia ibatay ng tao ang lahat nitong paniniwala dahil hindi naman daw lahat ay matatagpuan sa Biblia, iyon nga raw salitang “Biblia” ay wala naman at hindi mababasa sa mismong Biblia. Hindi mababasa sa Bibliang Tagalog at English ang salitang Biblia dahil gaya nga ng ating nasabi na sa unahan ng ating pagtalakay, ito ay hango sa wikang Griego na “βιβλια” [Biblia]. Natural sa Bibliang Greek natin ito mababasa, gaya ng mga talata na makikita sa ibaba: Juan 21:25 “εστιν δε και αλλα πολλα ‘οσα εποιησεν ‘ο ιησους ‘ατινα εαν γραφηται καθ ‘εν ουδε αυτον οιμαι τον κοσμον χωρησαι τα γραφομενα βιβλια αμην” Apocalypsis 20:12 “και ειδον τους νεκρους μικρους και μεγαλους ‘εστωτας ενωπιον του θεου και ηνεωχθησαν και βιβλιον αλλο ηνεωχθη ‘ο εστιν της ζωης και εκριθησαν ‘οι νεκροι εκ των γεγραμμενων εν τοις βιβλιοις κατα τα εργα αυτων” hindi ba malinaw na mababasa sa Bibliang Griego ang salitang “βιβλια” [Biblia]. Kaya nagkakamali ang nagsasabi na ang salitang Biblia ay wala sa Biblia. Ano ba ang katangian ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia? Ang salita ng Diyos ay makapangyarihan: Lucas 1:37 “ Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan. ” Ang ibig sabihin ang salita ng Diyos ay nakapangyayari o natutupad, dahil tinutupad ng Diyos ang kaniyang sinasabi: Isaias 46:11 “ …oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanu-kala, akin namang gagawin." Kung ating mapapatunayan na natutupad ang mga salita na nakasulat sa Biblia, ay ating matitiyak na tunay ngang mga salita ng Diyos ang nakasulat doon. Ano ang mga katibayan na natutupad nga ang mga sinalita ng Diyos sa Biblia? Kumuha tayo ng mga halimbawa ng mga nakasulat sa Biblia na natupad bilang katibayan na ito nga ay tunay na mga salita ng Diyos: a. Ang pag-unlad ng kaalaman ng tao Daan-daang taon pa bago ipanganak ang Panginoong Jesucristo ay sinabi na ng Diyos na uunlad ang kaalaman ng tao: Daniel 12:4 “Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawa-kasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.” Sinalita ng Diyos at ipinasulat kay Propeta Daniel na: “sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago”. Hindi nga ba’t sa panahon natin ngayon ay kitang-kita natin ang katuparan nito – ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, komunikasyon, siyensiya, medisina, at iba pa. Noong unang panahon ang mga tao ay naghihintay lamang ng sulat na dinadala ng mensahero na karaniwan ay tumatagal ng buwan bago matanggap. Samantalang ngayon sa pamamagitan ng cellphone ay maaaring magsend ng text message, na segundo lang ang hihintayin mo ay matatanggap mo na kaagad, at ngayon nga ay maaari mo nang makausap at makita ang iyong mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng internet, mga bagay na imposible noon, ngunit totoo na ngayon. Nakarating ang tao sa buwan. Nagagawa na nang taong magamot ang noo’y mga malulubhang karamdaman na, tubercolosis at typhoid fever, na noon ay itinuturing na napaka-mapanganib na karamdaman.Binanggit din ng Diyos ang pag-unlad sa larangan ng transportasyon sa pagsasabing: “marami ang tatakbo ng paroo't parito,” pansinin ninyo ang sabi ng Diyos: “tatakbo” hindi niya sinabing “maglalakad”, hindi ba malinaw na ang tinutukoy ay ang mga sasakyan sa panahon natin? Dahil hindi naman “pinalalakad” ang mga sasakyan kundi “pinatatakbo”, hindi po ba? At saka hindi nga ba’t ang mga sasakyan ay patuloy sa pagtakbo ng paroo’t-parito, sa mga lansangan, mapapansin na ang mga sasakyan ay walang tigil sa pagsasalubungan, mayroong papunta doon, at mayroong papunta dito. Sa karagatan ay ganun din ang pagsasalubungan ng mga barko, at maging sa himpapawid ay ganun din mga eroplano – may dumarating at may umaalis.
Natupad ang mga sinabi ng Diyos na pag-unlad ng kaalaman at pagpaparoot-parito ng tao sa panahon ng kawakasan na siyang panahon natin ngayon, at ito’y hindi nagkataon lamang, kundi katuparan ng paunang pahayag o hula ng Panginoong Diyos na nakasulat sa Biblia. b. Ang magiging ugali ng tao sa mga huling araw Sinabi ng Biblia na ang mga huling araw na siyang panahon natin ngayon ay panahong mapanganib: 2 Timoteo 3:1-5 “Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapag-ka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapag-tungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.” Hindi nga ba’t mas mapanganib ang panahon natin ngayon? higit na mas malala ang krimen, mas malupit ang mga tao, hindi kagaya nung araw? Nung araw kapag may napatay na 2 tao, halos nagugulantang ang marami ‘pag kanilang nabalitaan, ngunit ngayon pangkaraniwan mo nang mabalitaan na may pinatay na isang pamilya, isang grupo ng mga tao. At ang tao sa panahon natin ngayon ay pumapatay ng kapuwa niya sa matuwa at sa magalit, kahit walang dahilan. Ang sabi pa: “mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios”. Lulong ang tao sa panahon natin ngayon sa iba’t-ibang uri ng kalayawan, kaya nga may mga tao na kapag ating niyayaya na sumama sa pakikinig ng mga salita ng Diyos ay tumatanggi, ngunit kung ating yayayain sa pagsasaya at paglalasing, ay hindi tayo magda-dalawang salita. Sinabi rin na ang tao ay magiging “mapagtungayaw” o palamura. Hindi ba pangkaraniwan na nating nakikita na may mga tao na nagmumura maya’t-maya, natutuwa man o nagagalit? May mga maliliit na bata pa nga tayong nakikita na, ikinatutuwa pa ng kanilang mga magulang pag sila ay nagmumura, imbes na kanilang sawayin. c. Mga digmaan, lindol, kagutom at paglaganap ng kahirapan Sinabi na rin sa Biblia libong taon na ang nakararaan ang iba’t-ibang kasakunaan, kapaha-makang naganap at patuloy na nagaganap sa ating paligid sa kasalukuyan: Mateo 24:6-8 “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingaw-ngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsi-sitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magka-kagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.” “Mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan” - Natupad din ang hulang ito, dahil nung taong 1914, nagkaroon ng kauna-unahang digmaan na umalingawngaw o nabilataan sa buong Daigidig, bansa laban sa bansa ito ang tinatawag na First World War [Unang Digmaang Pandaigdig].
Datapuwat hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian”- Hindi pa doon nagwakas ang digmaan, kaya muli na naman itong naulit noong 1939, na tinawag naman na Second World War [Ikalawang Digmaang Pangdaigdig].
“Magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako - Hinulaan din ang paglindol sa iba’t-ibang dako na patuloy nating nararanasan hanggang sa kasalukuyan: kamakailan lamang ay lumindol sa New Zealand, China, at Japan na lumikha pa ng napakalaking tsunami na kumitil ng napakaraming buhay. Maging ang patuloy na paglaganap ng matinding tagutom sa mga bansang gaya ng Timog Africa, at sa mga bansang nasa Timog America at unti-unti na ring nararanasan sa iba pang mga bansa dahil na rin sa paglaganap ng kaguluhan at pag-aawayan ng mga bansa.
“Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.” - ang pagla-ganap ng tumitinding kahirapan ay patuloy na nararanasan sa daigdig maging ng mga mauunlad at malalakas na mga bansa. Sa kabila ng paglago ng kaalaman ng tao, ay hindi magawang mapigilan ito, dahil sabi nga ng Panginoong Jesus sa talata: “sapagka't kinakailangang ito'y mangyari…” Kaya ating natitiyak na tunay na mga salita ng Diyos ang nakasulat sa Biblia, dahil sa ang mga salita ng Diyos na nasusulat doon ay napatunayan nating natupad at talagang nangyari at patuloy na mangyayari. Kasang-ayon ba ng Biblia ang ‘Science’ o Agham? Kung ang “Science” ay makakaabot sa ganap na katotohanan [absolute truth] ay magiging kasang-ayon niya ang Biblia. Sa katotohanan ay may mga bagay na hindi kaagad natuklasan ng siyensiya ngunit una nang nabanggit sa Biblia, kung ang tao lamang ay unang nagsuri sa Biblia disin sana’y hindi na siya kailangan pang gumugol ng napakaraming taon bago niya malaman ang mga bagay-bagay. Kukuha tayo ng ilang halimbawa: a. Ang mundo ay bilog at hindi lapad sabi ng Biblia Noong unang panahon nung hindi pa nakakapag-circumnavigate [paglalakbay paikot ng mundo] ang tao ang malawak na paniniwala ng lahat ng tao ay lapad ang mundo tulad sa isang lamesa, kaya daw kung ang tao daw ay maglalayag at magpapakalayo-layo ay mahuhulog daw siya sa pinakagilid ng mundo, gaya ng inyong makikita sa larawan sa ibaba:
Noon lamang 16th Century [ika-labing anim na siglo] natuklasan ng tao na ang mundo pala ay bilog na parang bola, nang maglakbay o maglayag sa isang ekspedisyon ang grupo ni Ferdinand Magellan [noong taong 1521], paikot ng mundo ay kanilang nalaman na ang mundo ay pabilog at maaaring maglakbay ang tao ng paikot dito ng hindi mahuhulog. Alam ba ninyo na daan-daang taon pa bago ipanganak ang Panginoong Jesus ay sinabi na ng Diyos na ang mundo ay “bilog”? Basahin natin: Isaiah 40:22 “It is he that sitteth upon the circle of the earth, and the inhabitants thereof are as grasshoppers; that stretcheth out the heavens as a curtain, and spreadeth them out as a tent to dwell in:” [King James Version] Sa Filipino: Isaias 40:22 “Siya na nakaupo sa kabilugan ng mundo, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;” Ang aklat ni propeta Isaias ay naisulat noong taong 600 B.C – Anim na raang taon pa bago ang pagkapanganak kay Jesus. Kita ninyo, napaka-liwanag na sinabi ng Diyos na ang ating mundo ay bilog. Libong taon na nauna ang Biblia sa Science [2,121 years na nauna ang Biblia na nagsabi nito], kung tutuusin hindi na sana kailangan ng tao ang mag-experiment, basahin lang ang Biblia, diretsahan nang malalaman ang katotohanang ito, at hindi na nangangailangan na maghaka-haka ang tao, kung ano talaga ang anyo ng mundo. b. Ang mga bituin sa langit ay hindi mabibilang May mga dalubhasa rin noon na nagsasabi na kung bibilangin sa pamamagitan ng pagtingin sa langit ay humigit kumulang na 3,000 lamang ang bilang ng mga bituin sa kalangitan. Ngunit nang matuklasan at maimbento ang teleskopyo ni Galileo Galilee noon ding 16th Century, nang itinutok nila sa langit, ay natuklasan na ang mga bituin sa langit ay halos magkakadikit sa dami at hindi pala mabibilang.
Katulad din sa nauna nating halimbawa ay malaon na ring pinatunayan ng Diyos na hindi mabibilang ang mga bituin: Jeremias 33:22 - “Kung paanong ang lahat na natatanaw sa langit ay hindi mabibilang, o matatakal man ang buhangin sa dagat; gayon ko pararamihin ang binhi ni David na aking lingkod, at ang mga Levita na nagsisipangasiwa sa akin.” Genesis 22:17 - “Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway;” Napakalinaw na sinabi ng Diyos na: “lahat na natatanaw sa langit ay hindi mabibilang”, hindi ba napakalinaw niyan na ang mga bituin ay hindi kayang bilangin ninoman? At inihambing pa ng Diyos ang dami ng mga bituin sa langit sa dami ng mga buhangin sa dagat na hindi rin kayang bilangin ng tao. Ilan lamang iyan sa napakaraming halimbawa na ating maibibigay na higit na mas una pa ang Biblia kaysa sa Science, at unang matutuklasan ng tao ang katotohanan kung sa Biblia sana sila unang humanap ng kasagutan. Kaya wala pong dahilan para hindi tayo magtiwala at manalig o maniwala sa mga salita na nakasulat sa Biblia, dahil napakatibay ng mga ebidensiya na ang Biblia, ay tunay na Salita ng Diyos. Magagamit ba ng tao ang sarili niyang karunungan sa pag-unawa at pagbibigay kahulugan sa mga salita na nasa Biblia? Hindi galing sa karunungan ng tao ang Biblia, kaya hindi ito maaaring gamitan ng pansariling pagpapaliwanag: II Pedro 1:20-22 - “Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.” Hindi rin maaaring magamit ng tao ang sarili niyang karunungan para maunawaan ito, dahil iwawalat o wawalaing kabuluhan ng Diyos ang karunungan ng tao; 1 Corinto 1:19 “Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng maru-runong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.” Hindi ayon sa karunungan ng tao ang salita na nasa Biblia, kaya hindi niya ito mauunawaan sa sarili niyang kaparaanan, kaya dapat itong siyasatin ayon sa Espiritu: 1 Corinto 2:12-13 - “Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.” Paano kung sikapin ng tao na pag-aralan ito sa sarili niyang paraan, mauunawaan kaya niya? Pag-aralan man ng pag-aralan ng tao ito, ay hidi siya makaaabot sa pagkaalam ng katotohanan: II Timoteo 3:7 - “Na laging nagsisipag-aral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katoto-hanan.” Kaya nga sa kabila na iisa lamang ang Biblia ay nagkaiba-iba ang tao ng pagpapaliwanag dito at kailan man ay hindi niya ito matututunan kung ang kaniyang gagamitin ay ang kaniyang sariling karunungan, dahil ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Panginoong Diyos: 1 Corinto 3:19 - “Sapagka't ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:” Paano kung tangkain ng tao na ipaliwanag ang Biblia at siya’y magkamali ng pagbibigay ng kahulugan? Kung nagkamali ang tao at nabigyan niya ng maling kahulugan ang Biblia, siya ay mapapahamak: II Pedro 3:16 " Sa lahat ng sulat niya tungkol sa paksang ito, ganito ang lagi niyang paalala. Kaya lang, ang ilang bahagi sa kanyang mga sulat ay mahirap unawain, at binibigyan ng maling kahulugan ng mga mangmang at magugulo ang pag-iisip. Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasulatan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanilang sarili." [Magandang Balita, Biblia] Kaya hindi dapat tangkain ng sinoman na bigyan ng maling kahulugan ang mga salita na nasa Biblia, dahil mapapahamak sila, na ang katumbas noon ay ang kapahamakang walang hanggan sa dagat-dagatang apoy [2 Tessalonica 1:7-9]. Bakit ba mahirap unawain ang mga salita ng Diyos na nasa Biblia? Sapagkat ito’y pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan. Isa itong nakalihim na hiwaga: Roma 16:25 “At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan.” Sa pagsasabi pa lamang na ito ay isang “hiwaga” ay malinaw na malinaw na hindi nga ito mauunawaan, ngunit ang “hiwagang” ito ay itinago at inilihim pa kaya lalo nang mahirap itong unawain. Bukod sa ito ay mahiwaga ay ginamitan pa ito ng mga talinghaga na hindi madaling mauunawa: Marcos 4:11-12 “…datapuwa't sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga: Upang kung magsitingin sila'y mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig sila'y mangakarinig, at huwag mangakaunawa;…” Kaya sa kabila nang nakikita nating binabasa ito at ipinangangaral ng marami, ay hindi nanga-ngahulugan na nauunawaan nila ang nilalaman nito o ang tunay na kahulugan nito. Kaya nga kapansin-pansin ang iba-iba at nagkakasalungatan nilang interpretasyon, na ang naging bunga nga ay ang pagbangon ng iba’t-ibang relihiyon na nagpapakilala ring mga Cristiano. Imposible po na malaman ng tao ang tunay na kahulugan ng mga salita sa Biblia gamit ang sarili niyang karunungan at kaparaanan. May mga tao ba na pinagkalooban ng Diyos na makaunawa ng hiwaga ng kaniyang mga salita? Mayroon, ating basahin ang sagot sa aklat ni Apostol Lucas: Lucas 8:10 “At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang manga-kaunawa.” May mga taong pinagkalooban na makaalam o makaunawa ng tunay na kahulugan ng mga hiwaga ng Diyos ayon sa Panginoong Jesus. Sinabi rin niya na “datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga mga iba'y sa mga talinghaga” – na ang ibig sabihin iyong mga taong hindi pinagakalooban ay hindi ito mauunawaan, kaya magkakamali sila ng paka-hulugan dito. Ang kausap niya sa talata ay ang mga Apostol niya. Ano ba ang katangian ng mga Apostol at bakit sa kanila ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga? Juan 17:8, 18 “Sapagka't ang mga Sali-tang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin… Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.” Ang mga Apostol ay mga sugo ng Panginoong Jesucristo at kapag sugo ng Panginoong Jesucristo ay sugo rin ng Diyos: Juan 13:20 “Katotohanan, katotoha-nang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinomang sinusugo ko ay ako ang tina-tanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.” Maliwanag kung gayon na sa mga tunay na sugo ng Diyos ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng evanghelio, sila lamang ang maaaring makapagbigay ng tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Sa mga tunay na sugo lamang ipinagkatiwala ang salita ng pagkakasundo na siyang evanghelio: II Corinto 5:19-20 “Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinag-katiwala sa amin ang salita ng pagka-kasundo. Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring nama-manhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa panga-lan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.” Maaari bang mangaral ang isang tao kung hindi naman siya sugo? Hindi maaari, dahil walang karapatang mangaral ang isang taong hindi naman sugo ng Diyos, gaya ng ipinaliwanag ni Apsotol Pablo: Roma 10:14-15 “Paano nga silang mag-sisitawag doon sa hindi nila sinampa-latayanan? at paano silang magsisi-sampalataya sa kaniya na hindi nila napa-kinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral? At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo?...” Ang sinabing ito ni Apostol Pablo ay isang uri ng rhetorical question: “At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo?” Ito ay isang uri ng tanong na nandun na rin ang sagot: Ang ibig sabihin hindi maaaring mangaral ang hindi sugo. Ang mga tunay na sugo lamang ng Diyos ang may karapatan na mangaral at magpaliwanag sa tao ng Biblia. Kaya ang mga tunay na sugo lamang ang dapat nating sangguniin dahil sa sila ang may tungkulin na magturo ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos at ng kaniyang kalooban: Malakias 2:7 “Tungkulin ng mga saserdote na ituro ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Sa kanila dapat sumangguni ang mga tao tungkol sa aking kalooban, sapagkat sila ang mga sugo ng Makapang-yarihang si Yahweh.” [Magandang Balita, Biblia] Hindi ba’t sa Diyos naman ang lahat ng nangangaral basta may dalang Biblia? Hindi komo’t Biblia ang dala-dala ng isang nangangaral ay katibayan na iyon ng pagiging sa Diyos niya o pagiging sa Diyos ng mga aral na kaniyang itinuturo, dahil maging ang Diablo ay gumagamit din ng Biblia para makapandaya, narito ang katunayan: Mateo 4:5-6 “Nang magkagayo'y dinala siya ng Diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo, At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. Nang tuksuhin ng Diablo ang Panginoong Jesucristo ay ginamit niya ang mga salitang nakasulat sa Biblia, ang sabi niya “nasusulat” saan ba nakasulat ang sinabi niyang ito? Awit 91:11 “Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.” Ginamit ng Diablo ang nakasulat sa Awit 91:11, at ipinantukso niya kay Jesus. Kaya napakaliwanag ngayon na maging si Satanas ay gumagamit din ng Biblia para makapandaya ng tao. Kaya hindi ebidensiya na komo’t may dalang Biblia ang isang nangangaral ay tunay na siyang sa Diyos, kailangan nating magsuri at tiyakin ang pagiging totoo ng isang Mangangaral. 1 Juan 4:1 “Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito.” [Magandang Balita, Biblia] Kaya napakahalaga na ang tao ay magsuri, dahil sa ito ang magdadala sa kaniya sa tunay na pagkaunawa at tunay na pananampalataya na kaniyang ikaliligtas. Paano ba ang tamang paggamit ng Biblia? Inaakala ng iba na ang Biblia ay parang pangkaraniwang aklat na babasahin mo na parang komiks o magazine, uumpisahan mo sa una hanggang sa huli. Mahiwaga ang Biblia kaya kakaiba rin ang paraan ng paggamit dito, at di katulad ng ordinaryong aklat na nabibili kung saan na binabasa natin, hindi nangangailangan na ito ay basahin natin mula umpisa hanggang sa huli. Paano ba ang tamang paggamit nito? Sasagutin tayo ng Panginoong Diyos: Isaias 28:13 “Kaya't ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli.” Ang paggamit ng salita ng Panginoon ay: “dito'y kaunti, doo'y kaunti”, ibig sabihin babasa ka ng kaunti dito at babasa ka ng kaunti doon. At hindi na kailangang basahing lahat. Kumuha tayo ng halimbawa ng paggamit sa Biblia: Genesis 3:1 “Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?” Sa aklat ng Genesis na pinakaunang aklat ng Biblia ay may binabanggit na “ahas”, na ito nga ay ang dumaya kay Eva’t Adan. Ngayon gusto nating malaman kung sino iyong Ahas na tinutukoy. Kung ang gagamitin natin ay ang paraan ng paggamit na kagaya sa ordinariyong mga libro na babasahin ng tuloy-tuloy at mula una hanngang sa huli, maniniwala ba kayong mababasa niyo na halos nang buo ang Biblia bago ninyo malaman kung sino iyong Ahas? Bakit saan ba mababasa kung sino iyong Ahas na iyon? Apocalypsis 20:2 “At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,” Aabutin tayo ng ilang linggo, o buwan pa siguro kung babasahin natin ng tuloy-tuloy ang Biblia, dahil ang kasagutan ay nasa kahuli-hulihang aklat, ang Apocalypsis, at doon lamang natin mababasa na ang ahas ay ang Diablo at Satanas. Kaya nga kailangan lamang ay puntahan kagad natin ang mga talatang magkakaugnay, “dito’y kaunti, doo’y kaunti”, hindi na nangangailangan pa na basahin ng buo at tuloy-tuloy. Kung ano ang tanong, pupunta kagad tayo sa tamang verse at babasahin ang kaugnay na sagot, ganiyan po ang tamang paggamit ng Biblia. Kagaya ng pagtalakay dito, hindi niyo ba napapansin na kung saan-saang bahagi ng Biblia tayo kumukuha ng sagot sa ating mga tanong? At kadalasa’y tig-kakaunti lamang at hindi ang buong kapitulo o chapter ang ating sinisipi? Ganiyan po ang tamang paggamit, at iyan po ang ating sinusunod maging dito sa paksang ating pinag-uusapan. Paano kung tangkain ng iba na baguhin, bawasan, at dagdagan ang mga salita na nakasulat sa Biblia? Hindi pinahihintulot na maging tuldok o kuwit ay mawala sa mga kautusan o sa Biblia: Matthew 5:18 “Heaven and earth may disappear. But I promise you that not even a period or comma will ever disappear from the Law. Everything written in it must happen.” [Contemporary English Version] Sa Filipino: Mateo 5:18 “Ang Langit at lupa ay maaaring mawala. Ngunit ipinangangako ko na kahit ang isang tuldok o kuwit ay hindi mawawala sa Kautusan. Lahat ng nakasulat doon ay mangyayari.” Mahigpit ding ipinagbabawal ang magdagdag o magbawas ng mga salita na nakasulat doon, ang Diyos mismo ang nagbabawal: Deuteronomio 4:2 “Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.” At ang magdaragdag ni magbabawas ng mga salita nito ay mapaparusahan: Apocalypsis 22:18-19 “Aking sinasak-sihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito: At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.” Mabigat ang parusa sa mga taong mangangahas na magdagdag ni magbawas, mag-alis, magbago ng mga salita na nakasulat sa Biblia. Kasuklam-suklam sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesucristo ang ganitong gawain. Kinakailangang hindi tayo dapat humigit sa mga bagay na nangasusulat, gaya ng pahayag ni Apostol Pablo: 1 Corinto 4:6 - " Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat;…" At ang dapat nating sundin ay ang mga nakasulat lamang sa Biblia, tangi sa mga bagay na nakasulat dito ay wala na tayong iba pang dapat paniwalaan, sampalatayanan, at sundin: Juan 20:30-31 - " Gumawa rin nga si Jesus ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito: Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan." Kaya nga kung may mangangaral na ang kaniyang mga aral ay hindi natin mababasa o hindi matatagpuan sa Biblia, ay huwag po natin itong tatanggapin o paniniwalaan. Dahil kung wala sa Biblia ang isang aral at paniniwala maliwanag na ito ay isang huwad o pekeng aral, at ang kaniyang kinabibilangan ay isang pekeng relihiyon din. Ang tunay na relihiyon at tunay na mangangaral ay nagtuturo ng aral na 100% mababasa at lahat ay matatagpuan sa Biblia. Kaya ‘pag may lumapit sa inyo na nangangaral, hindi masama na magtanong ng: “Saan mababasa sa Biblia ang sinabi mo?” Anong verse?” sapagkat sa ganitong paraan natin malalaman kung ang isang nangangaral ay huwad o tunay na tagapangaral na sugo ng Diyos. Ang kaniyang itinuturo ay kinakailangan galing lahat sa Biblia o mula sa Diyos at hindi galing lang sa kaniyang sarili: Juan 7:17-18 - "Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili. Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan." At kapag galing lang sa sarili ang aral na itinuturo ng isang mangangaral, maliwanag na iyon ay utos lang ng tao at hindi utos ng Diyos. At kapag utos ng tao ang ating sinunod mawawalan ng kabuluhan ang ating ginagawang paglilingkod at pagsamba sa Diyos: Mateo 15:8-9 -“ Ang bayang ito'y igina-galang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao." Kaya kung ayaw nating mawalan ng kabuluhan ang ating paglilingkod sa Panginoong Diyos, ang ating dapat paniwalaan, sampalatayanan at sundin ay tanging ang Biblia lamang na tunay na mga salita ng Diyos. Ito lamang ang aklat na pangrelihiyon na dapat sundin at dapat talimahin ng lahat ng tao.
|
|
Pengyou
Single Cell Organism
Posts: 24
|
Post by Pengyou on Jul 21, 2011 15:34:07 GMT 8
An Atheist Professor of Philosophy was speaking to ...his Class on the Problem Science has with GOD, the ALMIGHTY. He asked one of his New Christian Students to stand and . . . Professor : You are a Christian, aren't you, son ? Student : Yes, sir. Professor: So, you Believe in GOD ? Student : Absolutely, sir. ProfessorIs GOD Good ? Student : Sure. Professor: Is GOD ALL - POWERFUL ? Student : Yes. Professor: My Brother died of Cancer even though he Prayed to GOD to Heal him. Most of us would attempt to help others who are ill. But GOD didn't. How is this GOD good then? Hmm? (Student was silent ) Professor: You can't answer, can you ? Let's start again, Young Fella. Is GOD Good? Student : Yes. Professor: Is Satan good ? Student : No. Professor: Where does Satan come from ? Student : From . . . GOD . . . Professor: That's right. Tell me son, is there evil in this World? Student : Yes. Professor: Evil is everywhere, isn't it ? And GOD did make everything. Correct? Student : Yes. Professor: So who created evil ? (Student did not answer) Professor: Is there Sickness? Immorality? Hatred? Ugliness? All these terrible things exist in the World, don't they? Student : Yes, sir. Professor: So, who Created them ? (Student had no answer) Professor: Science says you have 5 Senses you use to Identify and Observe the World around you. Tell me, son . . . Have you ever Seen GOD? Student : No, sir. Professor: Tell us if you have ever Heard your GOD? Student : No , sir. Professor: Have you ever Felt your GOD, Tasted your GOD, Smelt your GOD? Have you ever had any Sensory Perception of GOD for that matter? Student : No, sir. I'm afraid I haven't. Professor: Yet you still Believe in HIM? Student : Yes. Professor : According to Empirical, Testable, Demonstrable Protocol, Science says your GOD doesn't exist. What do you say to that, son? Student : Nothing. I only have my Faith. Professor: Yes,Faith. And that is the Problem Science has. Student : Professor, is there such a thing as Heat? Professor: Yes. Student : And is there such a thing as Cold? Professor: Yes. Student : No, sir. There isn't. (The Lecture Theatre became very quiet with this turn of events ) Student : Sir, you can have Lots of Heat, even More Heat, Superheat, Mega Heat, White Heat, a Little Heat or No Heat. But we don't have anything called Cold. We can hit 458 Degrees below Zero which is No Heat, but we can't go any further after that. There is no such thing as Cold. Cold is only a Word we use to describe the Absence of Heat. We cannot Measure Cold. Heat is Energy. Cold is Not the Opposite of Heat, sir, just the Absence of it. (There was Pin-Drop Silence in the Lecture Theatre ) Student : What about Darkness, Professor? Is there such a thing as Darkness? Professor: Yes. What is Night if there isn't Darkness? Student : You're wrong again, sir. Darkness is the Absence of Something You can have Low Light, Normal Light, Bright Light, Flashing Light . . . But if you have No Light constantly, you have nothing and its called Darkness, isn't it? In reality, Darkness isn't. If it is, were you would be able to make Darkness Darker, wouldn't you? Professor: So what is the point you are making, Young Man ? Student : Sir, my point is your Philosophical Premise is flawed. Professor: Flawed ? Can you explain how? Student : Sir, you are working on the Premise of Duality. You argue there is Life and then there is Death, a Good GOD and a Bad GOD. You are viewing the Concept of GOD as something finite, something we can measure. Sir, Science can't even explain a Thought. It uses Electricity and Magnetism, but has never seen, much less fully understood either one. To view Death as the Opposite of Life is to be ignorant of the fact that Death cannot exist as a Substantive Thing. Death is Not the Opposite of Life: just the Absence of it. Now tell me, Professor, do you teach your Students that they evolved from a Monkey? Professor: If you are referring to the Natural Evolutionary Process, yes, of course, I do. Student : Have you ever observed Evolution with your own eyes, sir? (The Professor shook his head with a Smile, beginning to realize where the Argument was going ) Student : Since no one has ever observed the Process of Evolution at work and Cannot even prove that this Process is an On-Going Endeavor, Are you not teaching your Opinion, sir? Are you not a Scientist but a Preacher? (The Class was in Uproar ) Student : Is there anyone in the Class who has ever seen the Professor's Brain? (The Class broke out into Laughter ) Student : Is there anyone here who has ever heard the Professor's Brain, Felt it, touched or Smelt it? . . . No one appears to have done so. So, according to the Established Rules of Empirical, Stable, Demonstrable Protocol, Science says that You have No Brain, sir. With all due respect, sir, how do we then Trust your Lectures, sir? (The Room was Silent. The Professor stared at the Student, his face unfathomable) Professor: I guess you'll have to take them on Faith, son. Student : That is it sir . . . Exactly ! The Link between Man & GOD is FAITH. That is all that Keeps Things Alive and Moving. NB: I believe you have enjoyed the Conversation . . . and if so . . . You'll probably want your Friends / Colleagues to enjoy the same . . . won't you? Forward them to Increase their Knowledge . . . or FAITH. That student was Einstein
|
|