|
Post by jophildelossantos on Jul 15, 2011 16:07:11 GMT 8
Ang kasaysayan ay isa lamang sa napakahalagang bahagi ng buhay na kailangang bigyang pansin at pahalagahan sapagkat ito'y pamana ng ating lahi kung saan ito'y ating nililinang at pinagyayaman sa paglikha ng mga produktong sariling atin.
Sa larangan ng Information Technology ang History ay isang malawak aspeto na pinagkukunan ng napakayamang ideya mula sa nakaraan. Dito masasalamin ang nakalipas na bahagi ng mga Teknolohiya na ating pinapakinabangan sa modernong panahon.
Delos Santos, Jophil Mar B. BSIT - 1D - G1
|
|
|
Post by jobertgarciabsit1d on Aug 2, 2011 21:13:31 GMT 8
Pangunahing katanungang nangangailangan ng tugon: Ano nga ba ang papel ng kasaysayan sa aking kurso at sa aking buhay?
Information Technology ang kinuha kong kurso,pero bakit nga ba mahalaga na balikan at pagaralan pa ang kasaysayan??mahalaga ito dahil ang nakaraan o ang kasaysayan ang humuhubog sa atin hanggang ngayon. Ang kasaysayan ay pinagaaralan para malaman natin ang mga nangyari ng nakaraan, tungkol sa technologies sa gobyerno, sa mga nangyaring improvement ng mga kagamitan na gamit natin ngayon at syempre ang naging buhay ng ating mga ninuno sa nakaraan..Mahalaga ang kasaysayan sa bawat isa sa atin dahil ito yung nagsisilbing guide natin para magkaroon tayo ng maayos na pamumuhay ngayon at sa hinaharap. mahalaga ito dahil sa kasaysayan nagmula ang lahat ng nangyari/nangyayari at mga mangyayari sa atin..kaya dapat yakapin natin ang kasaysayan, iappreciate natin to dahil mahalaga ito sa bawat isa sa atin.,...
JOBERT E. GARCIA BSIT 1D G1
|
|
|
Post by jelly on Aug 14, 2011 17:17:00 GMT 8
upang malaman at mauunawaan n mabuti ang nakaraan
|
|
|
Post by franzybeth on Sept 15, 2011 17:36:50 GMT 8
Para po sa akin ang kasaysayan po ay nagbigay ng napakalaking bahagi po ng ating buhay. Nalaman po natin ang mga bagay bagay dati at mga kasanayan. At dahil dito ay nadagdagan din ang ating kaalaman sa iba't ibang bagay, kung paano naging ganito ang ating pamumuhay at maging ang ating tinitirahan. Kung ano ang mga naimbento o na innovate na gawain ng mga Pilipino at ng ibang tao. Nalaman din natin ang mga kasanayan nila noon na pwede pa din gamitin hanggang ngayon katulad ng sa negosyo. Kung paano nila nasimulan ang pagbebenta o pagpapalit ng mga kalakal. Nalaman din natin ang mga paniniwala nila. At kung hindi dahil dito ay hindi tayo ganoon ka high tech ang mga gamit natin ngayon. BY: FRANZ YBETH CO CHUA BSBA ENTREPRENEURSHIP 3-B ♥
|
|
|
Post by franzybeth on Sept 15, 2011 17:51:51 GMT 8
Ang papel naman ng kasaysayan sa aking kurso gaya ng nasabi ko kanina ay, dahil ang kursong kinukuha ko ay Business Administration, malaki ang naging papel nito dahil natuto tayong mag negosyo o mag gawa ng isang business dahil din sa kaalaman natin sa ating kasaysayan. Sila ang naunang natutong mag negosyo sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga Kalakal. Nakuha din natin ang mga paraan nila ng pakikipag usap o pakikipag kasundo sa pag papalit ng kalakal. Sa panahong ito ay namulat na din ako na tayo ay naghahanap buhay para kumita ng pera, at kung hindi sa kasaysayan ay sa palagay ko ay mabubuhay tayo ng walang alam o kaya naman ay mabagal ang pag unlad natin dahil hindi pa natin alam ang nakaraang naimbento na. Kumbaga, dahil sa kasaysayan ay ang nakalipas ay ating mas ini-innovate na lamang. At dahil dito mas nagiging hi-tech ang mga gamit natin at mas nagiging maganda ang pamumuhay natin. BY: FRANZ YBETH CO CHUA BSBA ENTREPRENEURSHIP 3-B ♥
|
|