|
Post by Wildfire Emissary on Jun 14, 2011 7:40:56 GMT 8
Ang thread na ito ay para sa mga mag-aaaral na naka-enroll sa Philipinne History subject. Ang totoong buong pangalan ay kinakailangang gamitin dito. Kung hindi ay buburahin ang inyong komento. Gayundin naman, ang mga wala sa paksang komento ay buburahin.
Pangunahing katanungang nangangailangan ng tugon: Ano nga ba ang papel ng kasaysayan sa aking kurso at sa aking buhay?
|
|
tnx4dmeal
Single Cell Organism
http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.freeyahoodownload.info/images/smiley2.png&imgrefur
Posts: 2
|
Post by tnx4dmeal on Jun 16, 2011 9:37:43 GMT 8
"Inspirasyon", kung saan pinaghuhugutan ang ideya at lakas ng loob."Ideya" para sa kurso kong BAE, negosyo. "Lakas ng loob" naman sa buahay ko. Tulad dito sa Pinas, many in histories na nagpatunay na tayo ay "Hospitality". Dagdag income, mabait ka na, nagkapera ka pa. Sa buhay ko naman, "Proud" akong alam ko ang kasaysayan ng pinanggalingan ko. Di lang kaalaman pati rin karangalan. Hindi lang kaalaman pati rin karunungan ika nga "WISDOM".
-Paul N. Valencia BSBA Entrepreneurship 3-B
|
|
|
Post by Jollith Mendoza on Jun 17, 2011 17:55:08 GMT 8
Pangunahing katanungang nangangailangan ng tugon:Ano nga ba ang papel ng kasaysayan sa aking kurso at sa aking buhay? Paano nga ba nagkaroon ng papel ang kasaysayan sa akin kurso? sa aking palagay binibigyan nito ng karagdagan kaalaman at pag bukas tanaw na din sa kasaysayan, lalo ngayon sa aming talakayin ay tungkol sa gobyerno ng Pilipinas noon. Inaasahan ko na talakayin namin dito ay ang pangangalakad ng gobyerno ng ating bansa noon, bigay tugon na din sa kurso kong BSIT, dito ko kasi malalaman kung paano sinasagawa ang bawat pangangalakad sa bawat sektor o sangay ng ating gobyernor noon, dito ko rin malalaman kung wala noon at kung ano meron ngayon. "sa akin naman" sa akin naman iba talaga pakiramdam ko pag usapin na tungkol kasaysayan, parang ibang saya na din para sakin dahil kaalaman ito karagdagan na din sa akin, ;D ;D ;D - Jollith M. Mendoza BSIT 1-D G2
|
|
|
Post by maryjoypingol on Jun 17, 2011 20:06:10 GMT 8
para sa akin napakahalaga nito kasi kahit ito'y nkalipas na maari rin ito maging paraan upang mahubog ako.. s kurso kong BSBA E. makakatulong ito upang maunawaan ko kung ano ang mga negosyo noon at negosyo ngayon, kung ano ang mga pamamaraan at mga nakaugaliang mas nararapat para s negosyo. at upang malaman ko kung ano nga ba ang produkto na dapat kong ibenta, ang produkto ba ng ibang bansa o ang sarili nating produkto na makakatulong upang ipagmalaki na ako'y isang Pinoy, makatulong upang hindi tuluyang maglaho ang kaugaliang Pilipino na ipinaglalaban ng mga Pilipino noon (ang sariling atin), at maari rin naman akong kumita sa ganitong paraan. at dahil s pag-aaral ng philippine history malalaman ko kung sino nga ba talaga ako. ano ang aking dapat asalin at ano ang aking ipinaglalaban sa buhay, sino na nga ba ang magmamalasakit sa ating sariling bayan, kung patuloy tayon magiging moderno at isasapamuhay ang gawa ng ibang bansa saan na mapupunta ang mga pilipino. excited ako s subject n phil. history, dahil talaga namang maraming matututunan dito. makakalimutan lang kung hindi isasapuso.. - Mary Joy Pingol
|
|
tnx4dmeal
Single Cell Organism
http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.freeyahoodownload.info/images/smiley2.png&imgrefur
Posts: 2
|
Post by tnx4dmeal on Jun 17, 2011 22:23:36 GMT 8
Mary Joy Pingol from BSBA Entrepreneurship 3-B
|
|
|
Post by Bacons&Waffles on Jun 18, 2011 6:30:40 GMT 8
Pangunahing katanungang nangangailangan ng tugon:Ano nga ba ang papel ng kasaysayan sa aking kurso at sa aking buhay? para sakin simple lng, Bachelor of Science in "INFORMATION" technology saan tayo makakakuha ng information syempre sa history --- Santiago,Perzeus Waynes Mendoza BSIT 1D-G2
|
|
|
Post by princekyle19 on Jun 18, 2011 11:30:04 GMT 8
Pangunahing katanungang nangangailangan ng tugon: Ano nga ba ang papel ng kasaysayan sa aking kurso at sa aking buhay?
Siguro ang papel nang kasaysayan sa aking kurso ay upang malaman natin kung panu at kung saan nagmula ang mga pinagaaralan nating mga kurso dahil sabi nga nga nila kung wala ang nakaraan wala rin ang hinharap kya dapat matuto tayong lumingon at ipaalala sa iba ang ating kasaysayan dhil kung hindi dahil sa kanila hawak pa rin tayo nang ibang bansa at hindi tayo mabubuhay nang malaya yun lang:)
kasaysayan sa aking buhay? cguro kgaya nung nasabi ko mga alipin pa rin tayo at walang kakayahan na gawin ang aking gustong gawin ito ay dapat kong ipagpasalamat sa kanila ang kalayaan ko. . .
- Mandap, Prince Kevin Dela Cruz BSIT 1-D G2
|
|
|
Post by janinedevega on Jun 20, 2011 12:35:23 GMT 8
ang kasaysayan ay may malaking papel sa buhay naming mga nangangarap maging businessman/woman someday dahil ang kasaysayan ay palagi ng konektado sa lahat ng mga kurso. Tulad sa amin,ang katumbas ng business noon ay ang kalakalan, ang ating mga ninuno ay nakikipagkalakalan para sa kanilang ikabubuhay. Barter system ang tawag nila dito.
janine I. de vega BSBA- Entrepreneurship 3-B
|
|
Jeramie R Capistrano
Guest
|
Post by Jeramie R Capistrano on Jun 20, 2011 16:02:37 GMT 8
Para sakin bilang isang BSIT student ang papel ng kasaysayan sa aking kurso at sa aking buhay ay malaki, dahil sa tulong ng kasaysayan mas malilinang pa natin ang ating mga kaisipan tungo sa pagbabago, sa tulong din nito mababalik tanaw natin ang mga makasaysayang pangyayari na dinaranas noon ng ating mga katutubo tulad ng mababa sa teknolohiya ang ating bansa noong unang panahon.Mababago natin ang lahat ng ito sa tulong ng kasaysayan dahil ito ang magsisilbing guide sa atin,sabi nga"kung walang PAST walang FUTURE". "KASAYSAYAN" malaking papel sa buhay ng tao para magkaroon ng pagbabago.. -JERAMIE R. CAPISTRANO BSIT 1-D GROUP 2
|
|
|
Post by mrsrozen on Jun 22, 2011 21:24:30 GMT 8
last week,two girls came over me and asked if they could do me an interview,i nodded...tapos,ung interview na yun pala eh may kinalaman sa KASAYSAYAN...unang tinanong nila sakin kung mahalaga daw ba ang kasaysayan...napaisip ako bigla...matiyaga nilang hinintay yung sagot ko...sagot ko naman,SYEMPRE.Kasi mula sa kasaysayan, naging daan ito para mamulat ang tao sa maraming bagay na nangyayari sa paligid.Nakatutulong ito ng malaki sa pagpapaunlad ng maraming aspeto ng buhay at paniniwala,,sorry pero hindi ko na maalala ung eksaktong sagot sa first question,pero hindi namn sa tingin ko nalalayo ung mga sinabi ko... second question,anong bahagi ng kasaysayan ang pinakagusto ko...HEROES was my answer,, "cause they had the guts to make the Philippine free..." noon pa man,alam na natin na ang pilipinas ay madalas sakupin ng malalaki at malalakas na bansa...panahon na ng pagbabago! at isa sa mga dapat nating linangin ay ang teknolohiya so i'm taking up BSIT...sa pamamagitan ng technology,malilinang ang mga kasanayan at talento ng mga pilipino I'M PROUD TO BE A PILIPINA! Mary Joy Republika Mapilisan BSIT 1DG1
|
|
|
Post by princeelmerlazaro on Jun 24, 2011 16:18:50 GMT 8
3rd year criminology student n ko, marami na rin kaming nadiscuss na topics related sa course ko at para sakin, very suffecient ang pagaaral ng kasaysayan kasi dun namin nalalaman ang pagbabago-bago at pagsasalin-salin ng mga batas sa bawat henerasyon mula sa unang nagawang batas hanggang sa mga nagagawang batas sa kasalukuyan. sa buhay ko naman malaki din ang naitutulong ng kasaysayan dahil napapagtagni-tagni ko ang mga dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa paligid natin,.. sabi nga ni Pearl Buck - IF YOU WANT TO UNDERSTAND TODAY, YOU MUST SEARCH YESTERDAY.
|
|
|
Post by mark john flores on Jun 29, 2011 17:59:50 GMT 8
ang papel ng kasaysayan sa aking kurso at sa aking buhay................ para sa akin ang kinalaman ng kasaysayan sa aking kurso ay ito ang naghahasa sating kaalaman o impormasyon ukol sa isang larangan ito rin ang nagpapalawak at nagpapaunlad sa ating mga sarili..sa aking buhay ito ay ang magiging kasanayan natin sa totoong buhay ang ating magiging trabaho sa hinaharap...dito magsisimulang bumuo ka ng iyong kinabukasan pangarap at mithiin.. Flores,Mark John M. BSIT 1C-G1
|
|
|
Post by markjohnflores on Jun 29, 2011 18:41:10 GMT 8
nababalutan ng kaalaman ang kasaysayan ang parehong kaalaman sa nakaraang pangyayari at maka-kasaysayang pag-iisip na kasanayan, dahil,Matutunan ang mga pinagmulan ng bagay-bagay.,Matutunan ang aral ng nakaraan. Nakatutulong upang maunawaan ang kasalukuyan at paghahanda sa hinaharap.Nakatutulong upang malinang ating kasanayan at kaasalan.Nakatutulong upang malutas o lutasin ang kasalukuyang suliranin.Nalilinang ang pakikipagkapwa.ito pa pahabol na facts about sa topic to realize kung paano magkakaugnay ang buhay kurso at kasaysayan. Flores,Mark John M. BSIT 1C G1
|
|
marcteo
Single Cell Organism
Posts: 1
|
Post by marcteo on Jul 15, 2011 15:57:11 GMT 8
Ang papel nito sa kursong BSIT ay malaki kasi para sa akin paano ka makasusulong sa hinaharap kung di ka muna titingin sa nakaraan.. Sa bayan naman..Para madagdagan ang kaalaman ko sa kasaysayan ng bayan para magkaroon ako ng saysay sa bayan.. naguluhan ako dun pero un ang opinion ko.. BSIT 1-D G1 Chico
|
|
jayem
Single Cell Organism
Posts: 1
|
Post by jayem on Jul 15, 2011 16:00:02 GMT 8
Para sa Akin malaki ang papel ng kasaysayan sa aking kurso at buhay... sa aking buong pagkatao...
ito ang bumubuo ng kung ano ang meron ako ngayon...ito rin ang bagay na pinupunan ko mula ng ako ay isilang at maging sa huling sandali ng buhay ko...
ang kasaysayan ang umuukit ng aking pagkatao.....
ung lang po...
Jose Mari Tañola BSIT ID-G1
|
|