Post by Pengyou on Jul 29, 2010 12:51:07 GMT 8
Unang una kailangan ko munang mapatunayan na sa biblia ay nakapaloobang mga salita ng Diyos at nagsasabi ng pawang katotohanan..
PAANO NATIN MATITIYAK KUNG ANG BIBILIANG GINAMIT NATING NGAYON AY
ANG TUNAY NA BANAL NAKASULATAN?
Susuriin natin kung kauri ito ng mga salita ng Diyos. Ano ba
ang uri ng mga salita ng Diyos?Sa Juan 17:17 ay sinasabi ang ganito:
"Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan."
Ang mga salita ng Diyos at katotohanan sapagkat kapag Kaniyang
sinalita ay Kaniyang pinangyayarihin.Ganito ang pahayag ng Diyos
sa Isaias 46:11 :
"Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng
taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain;oo, aking
sinalita, akin namang papangyayarihin;aking pinanukala, aking
namang gagawin."
Kaya makikita sa pangyayari o sa katuparan na totoo ang sinalita
ng Diyos.Iba ang salita ng Diyos sa salita ng tao. Ang salita ng
tao ay malimit na napasisinungalignan at hindi natutupad saman-
talang ang salita ng Diyos ay katotohanan sapagkat may katuparan
ang lahat ng Kaniyang sinalita.
ANO-ANU ANG ILAN SA MGA SINABI NG DIYOS NOON PANG UNA,NA NASU-
SULAT SA BIBLIA, at NASAKSIHAN NATIN NANGYARI?
Ang Unang Digmaan Pansanlibutan na sumiklab noong 1914 at ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sumiklab noong 1939 ay katupa-
ran ng ipinagpauna ni Cristo na digmaang magaganap bilang pala-
tandaang malapit na ang kaniyang muling pagparito.
"At mangkakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga
digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't
kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
"Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaha-
rian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't
ibang dako." (Mat. 24:6-7)
Ang mga Digmaang hinulaan sa mga talatang ito ay naiiba kaysa
maraming digmaang naganap sa kasaysayan ng sangkatauhan, sapagkat
ang tinutukoy ay digmaang kasasangkutan ng mga bansa at aali-
ngawngaw o mapapabalita. Ang digmaang sumiklab noong 1914 ang
kauna-unahang digmaan na kinasangkutan ng halos lahat ng basa at
napabalita sa buong sanlibutan kaya ito ay tinatawag ng kasaysa-
yan na Unang Digmaang Pandaigdig. Ang Ikalawang Digmaang Pandaig-
dig ay sumiklab naman noong 1939. Ang mga ito katibayan na totoo
ang nakasulat sa Biblia.
Ano pa ang sinabi ng Diyos, sa pamamagitan ni Cristo, na nakatala
rin sa Biblia at nakatakdang mangyari sa mga huling panahon?
Ang mga digmaang hinulaan ay susundan ng mga kagutom,kahirapan,
at ,mga paglindol sa iba't ibang dako:

ibang dako.
"Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng
kahirapan." (Mat.24:7-8)
Ito man ay nasaksihan natin naganap, Sa lahat halos ng panig ng
mundo ay nagdanas ang mga tao ng matinding kahirapan pagkatapos
ng mga digmaang pandaigdig na ito. Ang pagkakagutom at paglindol
sa iba't ibang dako na ibinabala rin ng hula ay natutupad din.
At patuloy natin itong nasasaksihan o nababalitaan. Ang mga ito
ay nagpapatunay na ang sinabi ng Biblia ay totoo sapagkat natu-
pad ang mga ipinagpauna nito na mangyayari.
ANO PA ANG SINABI NG DIOS, NA NAKATALA RIN SA BIBLIA,NA MANGYA-
YARI sa PANAHONG MALAPIT na ANG WAKAS?
Ang paglago ng karunungan ng tao, na hinulaan noon pa mang pana-
hon ng Propeta Daniel:
"Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan
mo ang mga aklat,hanggang sa panahon ngkawakasan: marami ang ta-
takbo ng paroo'tparito at ang kaalaman ay lalago." (Dan.12:4)
Saksi tayo sa mabilis na pagsulong ng karunungan at paglago ng
kaalaman. Ang napakaraming
imbensiyon at mga kaalamang natuklasan sa larangan ng siyensiya
at teknolohiya ay nangyari sa panahong ito. Bunga nito ay nagli-
litawan ang mga kasangkapang nagpabilis sa paghatid ng mensahe
at komunikasyon at sa paglalakbay ng tao. Ito ang hinulaan ni
Propeta Daniel na "marami ang tatakbo ng paroo'tparito." Muli,
pinatutunayan nito na totoo ang Biblia;natupad angsinabi rito
na mangyayari.
MAY SINABI PA BA ANG DIOS sa PAMAMAGITAN ng mga APOSTOL,NANATA-
LA RIN sa BIBLIA ,TUNGKOL sa MAGAGANAP sa MGA HULING ARAW,AT
SIYA NGANG NAKITA NATIN NATUPAD?
Mayroong. Ang pagdating ng panahong mapanganib sa mga huling
araw. Ganito ang pahayag sa II Timoteo 3:1-5
"Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating
ang mga panahong mapanganib.
"Sapagkay ang mga tao ay maginging maibigin sa kanilang sarili,
maibigin sa salapi,mayabang,mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masu-
wayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,
"Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabin-
tangin, mga walang pagpipigil sasarili, mga mabangis, hindi mai-
bigin sa mabuti,
"Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa
kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;
"Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangya-
rihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito."
Hindi matututulan ang kaganapan ng mga pahayag na ito. Ang
pagsama ng tao, ang paglago ng katampalasanan, at ang paglamig
ng pag-ibig ng tao sa Diyos at sa kaniyang kapuwa-tao ay hayag
na hayag sa atin. Halos araw-araw ay laman ng mga pahayagan ang
iba't-ibang karumal-dumal na krimenna ginagawa ng tao laban sa
kaniyang kapwa. Ito ay ibinibala na ng Biblia noong pang-una. Ang
nakikita nating katuparan ng pahayag na iyon ng Biblia ay katu-
nayang totoo ang mga salitang nakasulat dito at, kung gayon ay
mga salita ito ng Diyos
Dahil dito, natitiyak natin na ang Biblia na ginamit natin
ngayon ay ang tunay na Banal na Kasulatan sapagkat taglay nito
ang uri o katangian ng mga salita ng Diyos: kapag sinalita Niya
ay tiyak mangyayari.
Mga Kapatid ang biblia ay nasulat sa panahon pa ng mga Apostol... Ang mga hula na ito ay naisulat na bago pa ito maganap.. Katunayan ang mga digmaan.. Kahirapan... Lindol at ibat-iba pang sakuna... at marami pang katunayan na nakasulat sa biblia ang mga nangayari na... Ito ang aking pananampalataya na walang pag-alinlangan ang Biblia ay salita ng Diyos..